TANGING IKAW Lyrics – TMP

TMP – Tanging Ikaw

CHORUS:

tanging ikaw….
ang siyang kailangan ko,
hindi ko kaya
kung ikaw ay lalayo….
mahal pakinggan mo
ang aking awit para lang sayo…

BLAZEY ONE:

sa pagtulog ko ikaw pa rin ang aking panaginip
at kahit anong gawin di matanggal sa aking isip

lagi kang nakatatak tinititigan ang larawan
at ang nais kong sabihin, di man lang nabitawan

pero bago ka bumyahe umalis papuntang langit
sana`y pakinggan mo muna ang sinulat ko na awit

para naman maipadama ko sayo ang pag-ibig
ang tunay na nararamdaman ko sa iyo ang ibig

sabihin mahal kita yun ang tanging nadarama
di ko na kailangang ilihim para maipadama

ang pagmamahal ko, na sa iyo`y ilalaan
umasa ka sa akin, pag-ibig ko`y walang hanggan

saking puso at sa isip ika`y laging dala
di ko malimot ang nakaraan nating kaysaya

ballpen ubos na ang tinta sa kakasulat sa iyo
sana naman ay tanggapin mo ang isang katulad ko

CHORUS:

tanging ikaw….
ang siyang kailangan ko,
hindi ko kaya
kung ikaw ay lalayo….
mahal pakinggan mo
ang aking awit para lang sayo…

J THUGZ:

paulit-ulit kong binibigkas ito nang walang sawa
ang salitang patawad nasambit sa aking dila

habang ang mga luhang tumutulo saking mata
nadarama ko ang sakit na nagdaan sating dalawa

kaya pinipilit ko na lang libangin, aking sarili
upang kahit paano mabawasan ang hapdi

na nakuha sa iyo hanggang ngayon nakabaon
pinipilit kong labanan kahit pa hanggang ngayon

na kahit iba na, ay talagang ikaw pa rin
ang sinisigaw ng puso ko, at dinadalangin

at kung pwede rin lang, na ikaw ay makasama
ibibigay ko ang lahat upang ikaw ay lumigaya

pagkat sa mundong to ikaw ang nagbigay ng buhay
hindi ko makakaya kung ikaw ay mawawalay

kaya pakinggan mo, ang sinulat kong tula
na ikaw ang dahilan kung bakit ko to nagawa

CHORUS:

tanging ikaw….
ang siyang kailangan ko,
hindi ko kaya
kung ikaw ay lalayo….
mahal pakinggan mo
ang aking awit para lang sayo…

TRITOGZ:

sinugal ko na ang lahat upang ikaw ay makasama
at sa mundong ito, tanging ikaw ang siyang ligaya

at wala akong hinangad kundi ang isang katulad mo
ang katuwang ko habang buhay at aking kapareho

sa lungkot at ligaya, sa hirap at sarap
pipilitin kakayanin kahit pa gaano kahirap

at hindi bibitaw, sa suliranin at problema
basta`t kasama ka anumang pagsubok makakaya

kaya`t asahan mo to, hinding-hindi na magbabago
ikaw lang ang una at huli nakatanim sa aking puso

at nag-iisang, aking hinandugan
you`re my one and only, magpakailanman

pagkat tanging ikaw, ang siyang kailangan ko
pagkat hindi ko makakaya kung ikaw ay lalayo

kaya`t pakinggan mo to, ang sinulat ko na awit
pagkat tanging ikaw ang siyang hulog ng langit

CHORUS:

tanging ikaw….
ang siyang kailangan ko,
hindi ko kaya
kung ikaw ay lalayo….
mahal pakinggan mo
ang aking awit para lang sayo…

check amazon for Tanging Ikaw mp3 download
browse other artists under T:T2T3T4T5T6T7

%d bloggers like this: